AIKO-Melendez-copy1-456x500

NO comment si Aiko Melendez sa balitang dinampot at idinetine ng mga pulis ang dati niyang asawang si Martin Jickain.

Sabi ni Aiko, nang makausap namin matapos makarating sa amin ang nangyari sa dating kinakasama, wala siya sa posisyon para magsalita hinggil sa bagay na ‘yun.

Although isa siya sa mga naunang nakakaalam sa pangyayari, hahayaan na lang muna niyang ipagtanggol ni Martin ang sarili. Aniya pa, kilala naman niya si Martin kaya more or less ay alam naman niya kung sino ang may kasalanan sa puntong ‘yun.

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Ayon sa police report na lumabas sa mga pahayagan kahapon, hinuli si Martin dahil sa ginawang panunutok ng baril sa pulis sa isang lugar sa Pasay City noong Huwebes ng hatinggabi.

Nakipagsagutan daw nang husto si Martin sa mga pulis na dumating habang nakikipagtalo siya sa isang taxi driver dahil sa isang parking area kasama ang kanyang kabarkada.

Isang pulis daw ang tinutukan ni Martin ng baril kaya agad siyang inaresto ng mga otoridad. Nakumpiska sa ex-husband ni Aiko ang isang baril at dalawang magazines, 12 bala, at ang lisensiya ng kanyang baril.

Ang dating asawa ni Aiko ay isang commercial model at chef sa isang kilalang restaurant. Last 2006 ay ikinasal sina Aiko at Martin pero nagkahiwalay matapos ang ilang taong pagsasama.