ISINILANG ang ika-9 na anak ng American singer na si Stevie Wonder, na pangalawang anak niya sa nobyang si Tomeeka Robyn Bracy, isang baby girl na pinangalanang Nia. Kinumpirma ito ng kanyang tagapag salita sa US Weekly.

Kinumpirma ni Stevie Wonder, 64, masayang ama sa kanyang walong anak sa mga nakaraang karelasyon, na inaasahan niya ang pagdating ni Nia nang siya ay lumabas sa The View noong nakaraang buwan.

Nang iulat ng Page Six na ang musikero at ang kanyang nobya ay umaasang triplets ang ipinagbubuntis ni Tomeeka, pabirong sinabi ng musikero na, “I got, how many, 22 kids?” bago nilinaw na, “It’s not true. The truth is we’re going to have a wonderful daughter, born in December, [and her] name is going to be Nia, which is ‘purpose.’”

Kinumpirma ang tagapagsalita ni Stevie Wonder na ito ay nangangahulugang “one of the seven principles of Kwanzaa.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang pinakasalan niya sina Syreeta Wright noong 1970 hanggang 1971 at si Karen “Kai” Millard Morris mula 2001 hanggang 2012. - US Weekly