MAY PAG-ASA PA BA? Ayon sa mga scientist, mabilis na ang pag-init ng daigdig dahil sa climate change. Natutunaw na ang yelo sa West Antarctica na mas mabilis pa sa naitaya ng mga scientist. tinutunaw na ng init ng tubig-dagat ang base ng glaciers kung kaya nahuhulog sa tagag ang malalaling tipak ng yelo at natutunaw doon – na dumadagdag sa volume ng tubig-dagat. Kung ganito kabilis ang pagkatunaw ng yelo, tinataya ng mga scientist na maaaring mawala na ng sangkatlo ng West yelo sa West Antarctic sa pagtatapos ng siglong ito. Kapag naiwala na ng mundo ang buong West Antarctic ice sheet, tataas ng hanggang 11 talampakan ang sea level, na maaapektuhan ang mahigit 13 miyong katao sa buong mundo.
Ang walang patlang na pagbuga ng mga usok mula sa paggamit ng enerhiya, ng lupa, ang mga pabrika at basura ay nakaaambag sa pagtaas ng pandaigdigang temperatura. Ngunit may pag-asa pa raw, sabi ng mga scientist at mga eksperto. Sa isang talakayan, inalam nila kung ano ang dapat gawin upang matugunan ang global warming. Anila, posible raw na ma-reverse ang pag-taas ng pandaigdigang greenhouse gas emissions sa susunod na limang taon. Magagawa lamang daw ito kung maglalaan ng sapat na atension ang mga bansa. May dalawang kritinal na bahagi ang solusyon. Una, kailangang magpatupad ang mauunlad na bansa ng pinahusay na energy efficiency, magkaroon ng pamantayan sa operasyon ng mga planta, at pagtupad ng mga batas para sa malinis na enerhiya – lahat para sa pagbabawas ng carbon emissions. Pangalawa, bawasan ng climate pollutants kung saan agad makikita ang positibong epekto sa kalikasan. Mangyayari lamang ang pag-reverse ng epekto ng global warming kung magtutulungan ang mga bansa na tuparin ang kanilang mga tungkulin. Hindi pa huli ang lahat.
***
MAY MAIAAMBAG KA Hindi pa nga huli ang lahat upang masagip ang ating daigdig sa tiyak na kapahamakan na dulot ng global warming. Kung tutuparin lamang natin ang mga panuntuhan ng pangangasiwa ng basura, ang hindi pagsisiga ng ng damo at basura na may kasamang plastic, styrofoam, goma at iba pa, ang hindi pagbabarbecue na gumagamit ng mantika upang lumikha ng usok, ang pag-iingat ng bahay at kapaligiran lalo na ang kagubatan upang hindi magkasunog, ang pagtitipid sa kuryente, at ang paggamit ng solar panel ay ilan lamang sa napakaraming paran upang masagip ang ating planeta.