BOSTON (AFP)— Shaggy ang buhok, may balbas at payat, muling nasilayan ang akusadong Boston Marathon bomber na si Dzhokhar Tsarnaev sa publiko makalipas ang 17 buwan noong Huwebes, sa pagdinig bago ang kanyang paglilitis sa susunod na buwan.

Mataas ang tensiyon sa US federal court sa northeastern city kung saan tatlong katao ang namatay at 264 ang nasugatan sa pag-atake noong Abril 15, 2013 – ang pinakamadugong insidente sa United States simula ng 9/11.

Kasama ng 21-anyos na si Tsarnaev ang kanyang dalawang babaeng abogado sa punong court room upang pakinggan ang mga paghahanda para sa kanyang paglilitis sa Enero 5 trial.

Si Tsarnaev ay inaakusahan ng pag-atake kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na si Tamerlan, na namatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis, at nahaharap sa parusang kamatayan. Sumumpa siyang “not guilty” sa 30 akusasyon.
National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!