HAHANDUGAN ng award-winning child actress na si Xyriel Manabat ng inspirasyon ang mga manonood ng Maalaala Mo Kaya sa kanyang pagganap bilang dalagitang nananatiling positibo sa buhay sa kabila ng pagkakaroon ng progeria.

Ang progeria ay pambihirang sakit na nagpapabilis na pagtanda ng katawan ng isang bata. Sa murang edad, animo’y matanda na at nangungulubot ang balat ng batang nagtataglay na karamdamang ito.

Natuklasan ang sakit ni Rochelle noong siya ay limang taong gulang at binigyan ng taning ng kanyang doktor na mabubuhay hanggang kinse anyos.

Tanggap ang katotohanang maikli lang ang itatagal niya sa mundo, nagpasya si Rochelle na mamuhay nang masaya at maranasan ang mga pinagdaraanan ng mga normal na kaedad niya, kabilang ang pagmamahal.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Magiging susi ba ang pag-ibig upang higit na lumaban sa buhay, o ito ang magdudulot sa kanya ng mas matinding sakit?

Makakasama ni Xyriel episode na ito ng MMK ngayong Sabado sina Paul Salas, Aiko Melendez, Dang Cruz, Maggie dela Riva, Ian de Leon, Eva Darren, Crispin Pineda, Paolo Angeles, Ishmael Claverio, Carlo Lacana, Andrei Garcia, at JM Ibañez bilang Angeline, mula sa panulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos at sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.