HINDI lingid sa showbiz industry ang pag-iibigan nina Robin Padilla at Vina Morales noong kapanahunang ginagawa nila ang Maging Sino Ka Man.
How time flies, âika na, may kanya-kanya nang buhay ang dalawa. Napangasawa ni Robin si Mariel Rodriguez at si Vina namaây nagkaroon na rin ng anak sa isang nakarelasyong businessman.
Ngayoây muling nagbabalik-tambalan ang dalawa sa Bonifacio Ang Unang Pangulo, isa sa mga kalahok sa 2014 Metro Manila Film Festival na mag-uumpisa sa December 25. At hindi siyempre puwedeng hindi ungkatin ang tungkol sa kanilang nakaraan.
âNagniningningâ pa ba ang mga mata ni Binoe tuwing nakikita si Vina? Attracted pa ba siya sa dating kasintahan?
âHindi naman mawawala âyun, eh. Sa ganda ni Vina, hindi puwedeng walang sparks. Dapat laging meron nuân,â sambit ng action star.
Gagampanan ni Vina ang karakter ni Gregoria de Jesus, ang asawa ni Andres Bonifacio na gagampanan naman ni Binoe. Inamin ni Robin na first choice niya ang dating girlfriend para sa nasabing role.
Inintriga tuloy ang action star sa presscon ng movie nila kung pinagselosan ba ni Mariel si Vina.
âWala namang problema kay Mariel. Gusto naman niya si Vina, idol nga niya si Vina, kaya hindi isyu (kay Mariel) na magkasama kami sa pelikula.â
Nilinaw din ni Robin na noong may shooting sila sa Monumento noong November 30 (Bonifacio Day), hindi bumaba si Mariel sa sasakyan dahil nalaman nitong naroroon si Vina.
âTotoo âyun, nangyari yun,â pag-amin ni Robin, sabay paliwanag. âAlas siyete ng umaga, may event na doân, nag-flag-raising na kami, nagbigay ako ng talumpati doân.â
Ala-una ng hapon naman dumating si Mariel dahil may event ang isang produktong iniendorso ng mag-asawa doân at guest nga si Mariel.
âWala siyang kinalaman sa pelikulang Bonifacio. Kaya nang dumating si Vina, pinatago ko na si Mariel. Oras na ni Gregoria de Jesus, eh,â pabirong sabi pa ni Robin.