HAVANA/WASHINGTON (Reuters) – Nagkasundo ang United States at Cuba noong Miyerkules na muling ibalik ang diplomatic ties na pinutol ng Washington mahigit 50 taon na ang nakalipas, at nanawagan si President Barack Obama ng pagwawakas sa matagal na economic embargo laban sa kanyang lumang kalaban noong Cold War.

Matapos ang 18 buwan ng mga lihim na pag-uusap, nagkasundo sina Obama at Cuban President Raul Castro sa isang tawag sa telepono nong Martes sa breakthrough na pagpapalitan ng mga preso, pagbubukas ng mga embahada sa bawat bansa, at pagpapalaya sa ilang paghihigpit sa komersyo.

Sabay na inihayag ng dalawang lider ang balita sa kani-kanilang talumpati sa telebisyon. Ang Vatican at ang Canada ang naging tulay sa kanilang kasunduan.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS