TINANGHAL na Ultimate Talentado ang Davaoeño Hall of Famer na si Neil Rey Garcia sa much-anticipated Grand Finals Night ng Talentadong Pinoy 2014 na ginanap nitong nakaraang Sabado sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Napanalunan niya ang P1 million cash prize.

Naging popular bilang “Neil” na ang kahulugan ay “Never Exit in Life”, ang tinalo ng magiting na Davaoeño ang anim na iba pang Talentadong Pinoy 2014 grand finalists sa one-night-only showdown.

Sumigabo ang mga hiyawan at palakpakan ng mga manonood sa loob ng Newport Performing Arts Theater nang magtanghal si Neil sa stage at ipamalas ang kanyang kahangahangang beatboxing talent.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binigyan ng standing ovation ng crowd ang performance ni Neil nang gabing iyon at higit sa lahat ay nakuha niya ang boto ng panel ng distinguished talent scouts na binubuo nina Ms. Pilita Corrales, Jaya, Jasmine Curtis-Smith,Richard Gutierrez, Cherie Gil, Gelli de Belen and Charice. Pinasaya rin ang Talentadong Pinoy 2014 Grand Finals Night ng unforgettable performance nina Jaya, Chadleen, at Zendee Rose.

Hosted ni Robin Padilla kasama sina Mariel Rodriguez at Tuesday Vargas, ang Talentadong Pinoy 2014 ay orihinal at longest-running talent show sa Philippine television.