Vic Sotto

ISA sa kinalulugdang segment ng Eat Bulaga ang “Laban o Bawi” na ang mapapanalunan ay isang milyon. Sa aming panonood ay kabuking-buking ang strategy ng ilang kalahok at naobserbahan din ni Bossing Vic Sotto.

Nagsisimula ang offer sa sampung libo na pataas nang pataas. Kung minsan ay umabot pa nga ito sa one hundred thousand pesos.

Sa simula ay dumadagundong na laban ang isinisigaw ng kalahok. Madalas humirit ang contestants na taasan pa ito na hindi sinusunod ni Big Bossing. Tantiyahan ito para sa ilan kung may itataas pa ang alok at saka sila biglang babawi. Kaya nga panay ang panunudyo ni Jose Manalo na “uy, babawi na yan”. Ganito nga ang palaging nagaganap although malakas din ang impluwensiya ng mga miron sa live audience pero ang palaging paalala ni Big Bossing ay “hindi sila kundi ikaw ang magdedesisyon”.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Karamihan ay umuuwing masaya kahit hindi naka-jackpot ng one million. Masama pa nga ba iyong nasa kamay mo na ang otsenta mil?

Gayunpaman may ilan na sumusugal upang sa bandang huli ay manlumo dahil ang inaasam na one million ay nagiging piso na lang. Ganito ang nangyari sa isang ikakasal nang udyukan ng boyfriend na panindigan ang paglaban.

Worried lang kami na baka sa sobrang excitement at tensiyon habang hinihila pataas ni Big Bossing ang laman ng kahon ay may atakehin sa puso. May paramedic naman sigurong nakaantabay.

Up to now ay wala pang nakasusungkit ng isang milyon ‘di tulad sa Its Showtime na meron nang naging instant milyonaryo.

—Remy Umerez