Patrick & Baby Mandy

ISINILANG na ni Ara Mina ang una nilang baby ni Bulakan Mayor Patrick Meneses, gabi ng Miyerkules, December 17. Mismong si Patrick ang nag-post sa kanilang baby girl sa kanyang Instagram account.

Sa isang panayam noon kay Ara, sinabi niyang Amanda Gabrielle o Mandy ang ipapangalan sa kanilang baby. Sinabi rin ni Ara na ibi-breastfeed niya ang kanyang baby.

“Magpapa-breastfeed ako. Para kasing ang sarap ng feeling na ikaw ‘yung magpapadede sa anak mo. Iba ‘yung attachment ng mother and child ‘pag ganu’n. Gusto ko ring ma-experience ‘yung ganu’n,” aniya.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kung excited si Ara sa kanilang panganay, mas doble sabi niya ang kasiyahang nararamdaman ni Patrick sa pagsilang ni Amanda Gabrielle.

“Siya ang madalas mag-search sa Internet ng mga gamit ng baby, gaya ng stroller, na alam niya ang mga specs, mga ganu’n. Ang tiyaga niyang mag-seach. Kasi ang plan namin, kung ano ang mabibili namin, ‘yun na rin ang gagamitin sa second baby. Kasi plano niya agad sundan,” sey ni Ara.

Nabanggit din ni Ara sa isang panayam na napag-uusapan na nila ni Patrick ang tungkol sa planong pagpapakasal pero sa ngayon, ang kanilang baby Mandy muna ang pinagtutuunan nila ng pansin.