Ipinagdiriwang ngayon ng Qatar ang kanilang Pambansang Araw, na gumugunita sa paghalili sa kapangyarihan ni Sheikh Jassim bin Mohammad bin Thani noong 1878. Tampok sa pista opisyal ang mga parada, light and water shows, at nakamamanghang fireworks.

Pinaghaharian ng Al Thani family mula pa noong mid1800s, binago ng Qatar ang sarili nito mula sa mahirap na British protectorate na kilala sa nagsikap upang maging independent state na malaki ang kinikita sa langis at natural gas. Noong dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90, dinanas ng Qatar ang recession. Ang kasalukuyang emir, si Hamad bin Khalifa Al Thani, ang humalili sa trono bunga ng bloodless coup noong 1995. Kinilala si Hamad bilang leader ng Qatar ng iba pang bansa sa Persian Gulf at maraming iba pang gobyerno.

Nagsimula ang diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Qatar noong 1981. Sinusuportahan ng dalawang bansa ang isa’t isa sa iba’t ibang international organization kabilang ang United Nations at ang Organization of Islamic Conference (OIC). Limang kasunduan ng Pilipinas at Qatar ang nilagdaan noong Abril 10, 2012, nang bumisita sa Pilipinas ang Kanyang Kamahalan, Emir Sheikh Hamad bin Khalifa al-Thani. Ang pinakamahalagang kasunduan ay ang pagkakatatag ng isang joint investment fund sa halagang aabot sa $1 bilyon. Noong Nobyembre 23, 2014, isang delegasyon ng Pilipinas sa pangunguna ni Labor and Employment Secretary Rosalinda D. Baldoz ang bumisita sa Qatar. Nakipagpulong ang delegasyon sa mga kinatawan ng Chamber of Commerce and Industry ng Qatar at tinalakay ang mga paraan upang itaguyod ang ugnayan sa kalakalan at pamumuhunan ng Pilipinas at Qatar.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng State of Qatar sa pangunguna ng Kanyang Kamahalan, Emir Tamim bin Hamad Al Thani, at ni Prime Minister Abdullah bin Nasser bin Khalifa Al Thani, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City