Ikinatuwa ng Malacañang ang pormal na pagsasampa ng kasong murder laban kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kaugnay ng pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na ang pagsasampa ng murder case ay patunay lang na umuusad ang proseso ng batas sa kaso ni Pemberton.

Ayon pa kay Coloma, dahil dito ay umaasa sila na makakamtan na ang katarungan para kay Laude.

Sa panig ng gobyerno, tiniyak ni Coloma na gagawin ang lahat upang matiyak na makakamit ang hustisya sa kaso.

National

VP Sara, pinayuhan mga Pinoy na maging matalino sa pagboto sa susunod na eleksyon

Pormal nang isinampa noong Lunes ang kasong murder laban kay Pemberton makaraang makitaan ng probable cause ng Olongapo City Prosecutor’s Office.

Si Pemberton ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.