KUMPIRMADONG "super single" si Justin Bieber. Nagsalita na ang 20 taong gulang na si Bieber at itinanggi na nagdi-date sila ng modelong anak ni Stephen Baldwin na si Hailey Baldwin noong Lunes, Disyembre 15, kahit na madalas silang nakikitang magkasama nitong mga nakaraang araw.

Justin Bieber"People are crazy. I'm super single and this is my good friend u would know otherwise," saad ni Bieber sa kanilang larawan ni Hailey sa loob ng kotse. Nag-tweet din naman ang dalaga at sinabing, "Hope that clarifies everything for everyone :) rumors are silly!"

Sinisiguro ng magkaibigan na mayroon silang sapat na oras para sa isa’t isa. Matapos ipagdiwang ang ika-18 na kaarawan ni Hailey sa NYC kasama sina Kendall at Kylie Jenner noong Nobyembre 19, ang dalawa ay muling nagkaugnayan sa Los Angeles. Disyembre 13, sila ay nakitang magkasama sa Runyon Canyon at noong Disyembre 14 ay magkasalo silang naghapunan sa Sugarfish sa Beverly Hills.

Ayon sa mga nakakita, ang dalawa ay "didn't seem to be romantic" at "were on their phones a majority of the meal" hanggang si Kylie Jenner at dalawa pang kaibigan ay nakisalo sa kanila. Ang grupo ay nakipagtagpo rin sa singer na si Chris Brown.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kanyang Instagram, inilarawan ni Bieber ang isang litrato na, "Had fun with the homey @Chrisbrownofficial,".

Samantala, umamin naman ang ex-girlfriend ni Justine na si Selena Gomez na may natitira pa rin siyang pagmamahal sa dating boyfriend. Sa interview sa NRJ Radio sa Norway, sinabi niyang: "I definitely have so much respect and love for him." (US Weekly)