Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman (OMB) ang pagsasampa ng kasong korupsiyon laban sa anim na opisyal ng San Fernando, Bukidnon at sa isang opisyal ng Commission on Audit (COA) dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga heavy equipment na nagkakahalaga ng P14 milyon.

Nahaharap sa mga kasong graft at falsification of public documents sina Mayor Laurencia Edma, Municipal Treasurer Agapito Baldo, Municipal Accountant Felipa Catanus, Municipal Budget Officer Nestor Lopez, Private Secretary Menchie Landicho, COA State Auditor (SA) Carlito Matias, at Bernardita Basay, proprietor ng Mindanao Philippine Sunday Journal.

Batay sa resolusyon, noong 2004 ay pumasok ang pamahalaang bayan sa loan agreement sa Development Bank of the Philippines (DBP) para mabili ang isang bagong soil compactor at traktora.

Sa halip na public bidding, direktang kinontrata ang Monark Equipment Corporation bilang supplier.

National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ngunit sa auditing, sinabi ni Matias na nagsagawa ng bidding ang pamahalaang bayan at legal ang pagbili sa nasabing mga kagamitan, pero pinasinungalingan ito ng COA, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Auditor.

Nadawit si Basay nang sabihin niyang inilathala sa Mindanao Philippine Sunday Journal ang invitation to bid sa nasabing kagamitan. (Jun Ramirez)