GENERAL SANTOS CITY- Arestado ang isang magsasaka sa pagpatay ng kanyang sariling ama matapos silang magtalo sa Tantangan, South Cotabato noong Lunes.

Kinilala ni Tantanga Police Station chief Rick Medel ang suspek na si Romeo Buhat, na itunuturong humataw ng air gun rifle ang kanyang 70-anyos na ama sa kainitan ng pagtatalo sa kanilang bahay sa Barangay Dumadalig.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagtalo ang mag-ama hinggil sa pag-aari ng isang lupain kung saan umabot sa puntong nagdilim ang paningin ng ni Romeo kaya hinataw ng baril ang kanyang ama.

Nakatakas umano si Romeo sa lugar ng pinangyarihan ng krimen bagamat agad itong hinabol at naaresto ng mga rumespondeng pulis.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasalukuyang nakapiit si Romeo sa Tantangan Police Station matapos sampahan ng kasong parricide ng awtoridad. (Joseph Jubelag)