Kapag natuloy, si world rated Renan Trongco ang unang Pinoy boxer na sasabak sa pandaigdigang kampeonato sa 2015 matapos iulat na hahamunin niya si bagong IBF light flyweight champion Javier Mendoza sa Enero 10 sa Tijuana, Baja California, Mexico.

Ayon sa ulat ng London-based BoxRec.com, ito ang ikatlong pagtatangka ni Trongco na lumaban sa world title bout matapos na unang mabigo noong 2011 kay Mexican Sammy Gutierrez.

Napabagsak ni Trongco sa 1st round si Gutierrez sa laban nila subalit natalo siya sa 6th round TKO sa Buenos Aires, Argentina kaya nabigong hablutin ang WBA minimumweight title.

Sa kanyang ikalawang world title bout noong 2013, natalo si Trongco sa hometown 12-round unanimous decision kay IBO minimumweight champion Hekkie Budler sa sagupaang ginanap sa Gauteng, South Africa.

National

Heydarian, happy sa 'immense progress' at latest HDI score ng Mindanao

Natamo naman ni Mendoza ang bakanteng IBF title nang talunin niya sa puntos ang dating world champion na si Raul Garcia Hirales sa all-Mexican na sagupaan noong Setyembre 20, 2014 sa Tijuana, Baja California, Mexico.

May rekord si Mendoza na (22-2-1) win-loss-draw na may 18 panalo sa knockouts samantalang si Trongco na kasalukuyang WBC International flyweight champion ay may kartadang 16-4-0 (win-loss-draw) na may 9 pagwawagi sa knockouts.