Maraming tinatapos na year-end report sa opisina ang aking dalaga na si Lorraine Madalas din siyang ginagabi ng uwi dahil nais ng kanyang grupo na matapos agad ang ilang proyekto bago umuwi. Dahil doon, bilang ina, hindi ko maalis ang sobrang pag-aalala sa kanya.

Bago kami maghiwalay sa umaga upang pumasok sa opisina siya sa Pasig City, ako naman sa Makati City – lagi kong pinaaalalahanan si Lorraine na mag-text sa akin kung saan siya naroon. Noong una, okay lang sa kanya ang mag-text na siya ay nasa office na. Minsan nga, itine-text pa niya sa akin kung ang sinasakyan niyang jeep ay naipit sa traffic kung kaya kailangan niyang lumakad. At nagte-text din siya kapag ginagahol na siya ng oras dahil walang masakyan. Sa pagte-text niya sa akin ako nagkakaroon ng kapanatagan ng loob na siya ay ligtas kahit saan man siya pumaroon.

Kapag wala akong natatanggap na text mula sa kanya, ako ang nagpapadala ng message, “Wer u n? Mag-txt k nman, pls.” At nagiginhawahan naman ang aking damdamin kapang nag-reply na siya.

Sa isang mapanganib na mundo, mainam na maalala na ang ating pinakamahusay na kaligtasan at proteksiyon ay nakasalalay sa mga kamay ng Diyos. Mababasa natin mula sa Mabuting Aklat nang panghinaan ng loob si Haring David. Naramdaman niya na wala na hindi na siya maabot ng Panginoon. Ngunit nabatid niya na kahit na sa pinakamahihigpit na situwasyon, inililigtas ng Diyos yaong mga may takot sa Kanya at itatago “sa isang lihim na lugar na kasama Siya; kakalingahin Niya sa isang lihim na tahanan.”

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Alam ng Diyos kung nasaan tayo. Walang lugar sa daigdig na hindi Niya nakikita ang ating pangangailangan at naririnig ang ating mga hinaing. Ani David sa Aklat ng mga Awit, “ Narinig Mo ang tinig ng aking pagmamakaawa nang ako ay dumulog sa Iyo.”

“Maging matapang,” payo ni David, “at patitibayin ng Diyos ang iyong puso, kayong mga umaasa sa Panginoon.”