CASTEL GANDOLFO, Italy (AP) — Bubuksan ni Pope Francis ang pintuan sa isang paraiso sa lupa: ang working farm sa papal summer residence sa bayang ito na nagpoprodukto ng dairy, karne at gulay para sa papa at sa kanyang staff.
Binabalak ng Vatican na buksan ang farm sa Castel Gandolfo sa publiko sa susunod na taon, matapos magtagumpay ang kanyang guided tours sa mga nakapaligid na hardin, fountain at Roma-era archaeological treasures sa malawak na propyedad estate 25 kilometro sa timog ng Rome.
Nagpasya si Francis na huwag gamitin ang hilltop retreat na nakatanaw sa Lake Albano, mas piniling manatili sa kanyang suite sa Vatican hotel tuwing bakasyon. Ang huling pagkakataon na ginamit ang palazzo ay nang manatili roon si Emeritus Pope Benedict XVI ng ilang buwan matapos ang kanyang pagbibitiw noong 2013.
“We wait for the order from Santa Marta,” sabi ni Osvaldo Gianoli, na nagpapatakbo sa villa. “We proceed according to that order and put together a special basket for the Holy Father that reaches his table and his kitchen.”
Ipinagawa ni Pope Pius XI ang farm mula1929 hanggang 1934.