PESHAWAR, Pakistan (AFP) – Sinalakay kahapon ng mga armadong miyembro ng Taliban ang isang paaralang pinangangasiwaan ng militar sa hilaga-kanlurang Pakistan at pinatay ang may 20 katao, kabilang ang 17 batang mag-aaral.

Inatasan ang mga militante na pagbabarilin ang mas matatandang estudyante, ayon sa tagapagsalita ng Taliban, idinagdag na ang pag-atake ay bilang ganti sa isang matinding opensiba ng militar sa rehiyon kamakailan.

Nasa limang militante na nakasuot ng uniporme ng militar ang sumalakay sa Army Public School sa lungsod ng Peshawar.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza