Ang pagiging likas na malikhain ng mga Pilipino ay makapag-uungos sa bansa sa larangan ng malikhaing ekonomiya. Ayon sa United Nations, ang creative economy ay isa sa pinakamabilis na lumago sa mga sektor ng ekonomiyang pandaigdig. Para sa Pilipinas, ang creative economy ay makatutulong upang lalong maraming mamamayan ang makinabang sa paglago ng kabuhayan ng bansa. Ayon pa sa UN, malaki ang magagawa ng creative economy sa paglikha ng trabaho, sa pagpapataas ng kita at paglago ng pagluluwas ng produkto o export ng bansa.

Sa isang ulat na pinamagatang “Creative Economy Report 2013,” sinabi ng UN Development Program (UNDP ) na ang kalakalan sa mga produkto at serbisyo ng creative economy ay umabot sa $624 billion noong 2011, mahigit doble ng halaga noong 2002. Ipinaliwanag ni UNDP Administrator Helen Clark na ang mga malikhaing industriya ay mahahalagang makina sa paglago ng kabuhayan, at nakatutulong sa paglikha ng trabaho at pagpapaunlad ng kapakanan ng mga maunlad at umuunlad na mga bansa. Ayon pa sa UNDP , ang Pilipinas ang pangalawa sa pinakamalalaking nagluluwas mga produktong basket at kauri nito sa hanay ng mga umuunlad na bansa, at panglima sa export ng eskultura. Noong 2005, ang kontribusyon ng creative industries sa Gross Domestic Product (GDP ) ng Pilipinas ay umabot sa 4.92 porsyento; ang mga industriyang ito ay kumatawan sa 11.1 porsyento ng may trabaho sa nasabing taon, ayon pa sa UNDP .

Sa aking pananaw, ipinakikita ng paglago ng creative industries ang lumalaking papel ng mga malikhaing Pilipino sa ekonomiya ng bansa. Sa katunayan, ang paglago ng ekonomiya ay mabuti para sa sining; ang mga pintor, eskultor at ibang alagad ng sining ay nakikinabang kapag ang mayaman ay lalong yumayaman. Halimbawa, ang mga bumibili ng mamahaling mga condominium ay inaasahang bibili rin ng magagandang kuwadro para sa kanilang tirahan. Ang mga nagtatayo naman ng matatayog na gusali ay hindi rin maiiwasang magsabit ng magagandang likha ng mga pintor sa kanilang maluluhong lobby.

Sa aking pananaw, lalong dapat paigtingin ng pamahalaan ang mga aktibidad upang makilala ang mas maraming malikhaing Pilipino sa lokal at pandaigdig na pamilihan.
National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas