Ang Pasko ay sinasabi ring panahon ng pasasalamat. Sa unang Pasko kasi isinilang si Panginoong Jesus bilang handog ng Diyos Ama sa sangkatauhan. Ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan. Kaya, sa mga Kristiyano ang pagsilang ni Panginoong Jesus ay araw ng pasasalamat sa pagmamahal na ipinakita ng Diyos Ama. Kaya nga may programa ang isang himpilan ng telebisyon na binubugbog ng pasasalamat ng mga tao ang kanilang kapwa dahil sa mga nagawa ng mga ito sa kanila. Tinatanaw nila itong napakalaking utang na loob.

Bilang taga-Valenzuela, pinasasalamatan ko naman ang magkapatid na Sherwin at Rex Gatchalian. Tatlong taon na nanungkulang alkalde si Sherwin at nang matapos ang kanyang termino, nahalal siyang kongresista ng unang distrito ng siyudad. Si Rex naman ay kasalukuyang alkalde, pagkatapos niyang iwan ang posisyong okupado ngayon ni Sherwin. Sa panahon ng kanilang panunungkulan, inilapit sa abot kamay ng mga magaaral ang edukasyon. Maraming eskwelahan ang kanilang ipinatayo sa loob mismo ng lugar na tinitirhan ng mga bata lalo na iyong mga nasa maralitang pamilya. May mga kolehiyo na rin ang Valenzuela, Polytechnic at espesyal na eskwelahang Valenzuela City School of Mathematics and Science, bagamat pampubliko ay kaantas na ang mga pribadong dekalidad na eskwelahan tulad ng La Salle, ayon kay Education Secretary Luistro.

Nasa amin din ang modernong City Hall, Hall of Justice, City Jail at Fire Department. Bawat barangay ay may health center kumpleto sa gamot, empleyado at doctor na libreng nangangalaga sa kalusugan ng mamamayan. Sa Enero ng darating na taon ay bubuksan na ng pamahalaan ang Peole’s Park na magiging pasyalan, aliwan at pahingaan ng lahat. Nagsulputan na rin ang mga mall at mga sikat na fast food restaurant dahil sa pananalig nila sa mabuting pamamahala ng mga Gatchalian. Sa kabilang dako, mayroon din ang siyudad ng Gawad Kalinga, na tahanan ng mga street children at matatanda karamihan halos ay dukha. Ang Valenzuela ay umunlad nang napakabilis, napaka-moderno, napakalinis at napakatiwasay na pamayanan sa maikling panahon ng panunungkulan ng mga Gatchalian. Maraming salamat po sa inyo.
National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya