Muling ginapi ng Team UAAP-Philippines ang Malaysia, 25-11, 25-11, 25-16, para makamit ang women’s volleyball bronze medal sa ginaganap na 17th ASEAN University Games sa Palembang, Indonesia.

Ang nasabing medalya ang una ng bansa sa international women’s volleyball scene mula nang huling magwagi ang national women`s team ng bronze medal sa2005 Southeast ASian Games.

Gaya ng dati, muling nanguna para sa koponan ang reigning UAAP MVP na si Alyssa Valdez na kumamada ng 16 hits katulong si Ella de Jesus na nagdagdag ng 14 puntos.

Nag-ambag naman ang rookie na si Bea de Leon ng siyam na puntos na kinabibilangan ng 2 blocks .

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Habang papalapit na ang pagtatapos ng pinakamalaking Asian competition para sa student-athletes, nakatipon na ang Team UAAP-Philippines ng 4-4-5 (gold-silver-bronze) medals upang tumatag sa ikalimang puwesto.