DINAGSA ng auditioners noong Sabado ang bagong programa ng TV5 na mala-Step Up ang concept. Sa Step Up na ipinalabas noong 2006 minahal ng fans si Channing Tatum dahil sa ipinakita nitong galing sa pagsasayaw.

Move It: Clash of the Street Dancers ang titulo ng programa na ngayon pa lang ay hot topic na ng hiphop groups sa bansa.

Kuwento sa amin ng taga-TV5, magagaling ang pumasa sa audition at pang-international ang dating at idolo nila ang world champion na Jabbawockeez na kasalukuyang may show sa Luxor, Las Vegas USA.

Kaya nahirapan daw ang mga hurado sa mga nag-audition dahil walang puwedeng ilaglag.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Excited ang TV5 management sa bago nilang programa na street dance competition dahil sila ang una rito.

Kung hindi magbabago ang plano ay sa Enero 2015 ang airing ng nasabing programa.