Hindi sasali ang Philippine Azkals Under-23 sa kada dalawang taong Southeast Asian Games na isasagawa sa Singapore sa susunod na taon. Sa halip ay magkokonsentra na lamang ito para sa susunod na kompetisyon sa 2017, ayon sa Philippine Football Federation (PFF).

Ito ang napag-alaman mula sa isang mataas na opisyales na mamamahala sa SEA Games Task Force kung saan ay nakatakdang isumite ng Pilipinas ang listahan na naglalaman ng mahigit na 500 katao bubuo sa delegasyon ng Pilipinas sa torneo na isasagawa simula Hunyo 5 hanggang 16.

Anim na buwan bago pa ang Singapore SEA Games, napag-alaman sa PFF na plano nitong hindi lumahok sa torneo at sa halip ay itutuon na lamang ang pansin sa ika-29 edisyon ng multi-sports na kompetisyon sa Malaysia sa taong 2017 kung saan ang koponan ay gigiyahan ng Australian coach na si Jim Fraser. Matatandaang hindi isinali ang Azkals U23 ng binuong Task Force “They won’t be sending a team (to Singapore) because they feel they will be set aside by the same officials who did not want them to go to the [2013] SEA Games will still be there in 2015,” sabi ng source.

Sinabi pa ng dating opisyal na hindi inimbita ang mga opisyales ng POC nang isagawa sa bansa ang selebrasyon ng 60th anibersaryo ng pagkakatatag ng football sa bansa kung saan dumating mismo ang pangulo ng internasyonal na asosasyon na FIFA na si Sepp Blatter at maging ang Olympic Council of Asia at ANOC President Sheikh Ahmad Al Fahad Al Sabah.

National

Abalos, kinumpirma intensyon ni Wesley Guo na sumuko

“Almost all prominent persons in the world of football were there,” sabi ng source. “They are talking about the Azkals and yet they did not play in the SEA Games.”