IBAAN, Batangas - Patay ang isang karpintero matapos silang magkasagupa ng kapitbahay na sinugod niya para pagtatagain at nasugatan din ang dalawang anak nito sa Ibaan, Batangas.

Patay kaagad sa taga si Catalino De Leon, 54, taga-Barangay Lucsuhin sa naturang bayan.

Sugatan ang sinugod ni De Leon na si Ramil Base, 40, at mga anak nitong isang 14-anyos na lalaki at isang 12-anyos na babae.

Ayon sa report ni Senior Insp. Domingo Ballesteros Jr., hepe ng pulisya, bandang 3:30 ng hapon noong Disyembre 13 nang sugurin ni De Leon si Base sa bahay at pinagtataga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagwawala umano si De Leon habang hinahanap ang suspek sa bahay nito, pero mga anak ng huli ang nabungaran at una niyang pinagtataga ang mga ito.

Isinugod sa Batangas Medical Center si Base at ang anak niyang binatilyo, at doon naaresto ang suspek.