BORACAY Island— Maglalaan ng P50, 000 ang South Korean community sa isla ng Boracay para madakip ang suspek sa pamamaril sa isang Korean national kamakailan.

Ayon kay Police Senior Inspector Fidl Gentalian, bagong hepe ng Boracay PNP, nakikipag-ugnayan na sila sa Korean community para mapabilis ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Nagpalabas na ang Boracay PNP ng isang composite digital sketch ng hindi nakikilalang pinoy na suspek. Kasalukuyang nagpapagaling sa ngayon sa pribadong hospital sa Kalibo, Aklan ang Koreanong biktima, isang manager sa isang spa sa Boracay.

Ayon kay Gentalian, maaaring tumawag o mag text sa 09075036235 ng Boracay PNP kung sakaling may impormasyon hinggil sa nasabing insidente.

Romualdez, umaasang pagtitibayin ni Trump maritime security sa West Philippine Sea