Patay ang isang 61-anyos na retiradong kawani ng bangko matapos tambangan ng dalawang suspek na riding-in-tandem sa Circumferential Road, Barangay Villamonte, Bacolod City kahapon ng madaling araw.

Batay sa imbestigasyon ng Bacolod City Police Office, naganap ang pananambang dakong 1:30 ng umaga sa naturang lugar.

Ang biktima, na hindi kinilala ng pulisya batay sa kahilingan ng pamilya, ay isang retired bank employee at residente ng Las Palmas Subdivision, Barangay Taculing, Bacolod City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakahinto ang isang Toyota SUV na sinasakyan ng biktima sa harapan ng East View Hotel Bacolod nang lapitan ito ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at paputukan ng kalibre 45 pistola.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ideneklarang dead on the spot ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa leeg, ayon pa sa pulisya.