DAKAR/FREETOWN (Reuters)— Binabalak ng Sierra Leone na ipagbawal ang mga party at pagdiriwang para sa Christmas at New Year at maglunsad ng “surge” upang maputol ang panganib ng lalong pagkalat ng Ebola sa bansang ito sa West Africa na ngayon ay may pinakamaraming nahawaan, sinabi ng mga opisyal.

Ipinakita sa tala mula sa World Health Organization noong Biyernes na 6,583 katao ang namatay sa sakit sa tatlong estado sa West Africa – ang Guinea, Sierra Leone at Liberia - mula sa 18,188 kaso.

“The government is planning to keep people indoors during Christmas through Boxing Day and New Year,” wika ni Jarrah Kawusu-Konte, tagapagsalita ng president ng Sierra Leone.
National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte