Masyado ka bang busy o masyadong pagod upang paglaanan ng panahon kung ano ang maaari mong gawin para magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay? Sa totoo lang, gugugol talaga ng maraming oras o araw o panahon upang magbasa ng aklat, gumawa ng listahan, o kumausap sa mga taong may malawak na karanasan sa larangang ito. At kung magkaroon ka naman ng oras o panahon, mayroon ka bang sapat na lakas at determinasyon? Napakahirap.

Ngunit nitong mga nagdaang araw napag-isip-isip ko, na nangyayari ang pagbabago bunga ng bigla at maigsing pagkilos na tumatagal lamang ng ilang segundo. Isipin na lamang ang ginhawang panghabambuhay dulot lamang ng iyong ginawa sa loob lamang ng ilang segundo.

Simulan mong gawin ang mga makabuluhang bagay sa loob lamang ng ilang segundo. Gamitin mo ang ilang segundong iyon upang makaambag ka ng kahit kaunti upang makintal sa iyo ang bago at kaaya-ayang pag-uugali o kaya ay mahinto ang maaksayang mga gawi.

Natitiyak kong makakahanap ka ng gagawin sa loob ng ilang segundo na maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa iyong buhay. Narito ang ilang halimbawa:

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

  • Simulan ang pag-iimpok. – Mangangailangan lamang ng ilang segudo ang pagkuha ng barya o perang papel at ihulog sa alkansya. Mayroon akong pulang piggy bank sa ibabaw ng aking tokador at pinakakain ko iyon ng barya at perang papel araw-araw; ginagawa ko iyon nang ilang segundo lang tuwing umaga.
  • Magtipid sa kuryente. – Gugugol lamang ng ilang segundo ang pagpunta sa outlet at tanggalin ang naka-plug na appliances na hindi ginagamit. Natutuhan na rin ng mga anak ko ang pagtatanggal ng naka-plug na appliances sa outlet pagkatapos nilang gamitin ang computer, TV, at radio. Sa ganitong gawi, napapababa ko ang singil ng aming kuryente.
  • Huwag kang sumimangot. – Sa loob ng ilang segundo lang ay maaari mo nang gawing isang matamis na ngiti ang iyong pagkasimangot. Maraming muscle ang nare-relax sa pagngiti at pinaglalaho ang stress at tension sa iyong mukha. Talupan mo na ang iyong mukha ng kung ano mang bakas ng pagkainis, ng pag-irap, pagkabahala at ng pangamba.
  • Simulan ang paglilinis ng kalat. – Ilang segundo lamang ang kailangan mo upang buksan ang iyong drawer at itapon ang mga bagay na hindi mo na kailangan. Sa bawat bagay na hindi mo kailangan na itatapon bawat segundong ilalaan mo araw-araw, malilinis ang iyong draw ng mga kalat na matagal mo nang binabalak itapon.

Marami pa sa susunod.