Ni CHITO CHAVEZ

Binatikos ng grupo ng mga migranteng Pinoy ang gobyernong Aquino dahil sa kabiguan umano nitong magbigay ng legal na ayuda sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naakusahan sa iba’t ibang krimen sa ibang bansa.

Partikular na tinukoy ni Garry Martinez, chairman ng Migrante International, ang kaso ni Carliot Lana na pinugutan ng Saudi authorities dahil sa pagpatay sa kanyang Saudi employer.

“Humihiling kami ng imbestigasyon kung bakit marami sa mga natuloy na pagbitay ang nangyari sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino III,” ayon kay Martinez.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Setyembre!

Si Lana ang ikaanim na OFW na ibinitay sa termino ni Aquino matapos nang mahabang panahon nang magsimulang mangibang-bansa ang mga Pinoy noong simula noong dekada 1970.

Ayon kay Martinez, humingi ng tulong ang pamilya ni Lana matapos arestuhin ang ito nang aminin ang pagpatay sa kanyang Saudi employer nang takain umanong patayin ang OFW.

“Nakararanas siya ng pangaabuso sa kamay ng kanyang amo. Nang maganap ang krimen, siya pa ang nagdala ng kanyang amo sa ospital subalit naaksidente sila. Sa puntong ito na siya naaresto ng Saudi police. Noong una pa man ay tinanong na naming ang gobyerno ng Pilipinas kung nabigyan siya ng legal assistance dahil sa detalye ng kaso,” giit ni Martinez.