Posibleng masibak sa serbisyo ang isang pulis matapos mahuling nagtutulak ng droga sa kanyang kasamahan sa isang buy-bust operation sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Iniharap kahapon ng Laoag City Police Office ang suspek na kinilalang si PO2 Jam Ballesteros, nakatalaga sa Dingras Municipal Police Station.

Nahaharap si Ballesteros sa kasong admistratibo at pagtutulak ng droga makaraan ang isinagawang drug buy-bust operation sa Bgy. Madamba sa nasabing lungsod.

Nakumpiska kay Ballesteros ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000 at marked money na P1,000.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Ayon sa pulisya bago naaresto ang suspek ay nakipaghabulan muna ito sa mga kapwa pulis. Nagsilbing poseur-buyer sa operasyon ang isa ring pulis.

Nabatid na si Ballesteros ay matagal nang minamanmanan ng kanyang mga kasamahan dahil sa kanyang iligal na aktibidad.