Binigyan na ng go-signal ng Sandiganbayan si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na sumailalim sa breast cancer examinations.

Ayon sa 1st Division ng anti-graft court, binigyan nila ng isang araw si Arroyo para sa digital mammogram nito sa Makati Medical Center (MMC) sa Disyembre 18.

Sa tatlong pahinang mosyon ni Arroyo, kailangan nitong magpa-mammogram dahil high risk siya sa pagkakaroon ng breast cancer lalo pa’t nagkaroon nito ang kanyang ina.

Kalakip din sa mosyon ng dating Pangulo ang rekomendasyon ng personal physician nito na si Dr. Theresa Lopez na dapat ay taun-taon itong sasailalim mammogram test.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Idinahilan pa ng kampo ni Arroyo na wala umanong sapat na kakayahan ang Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC), na isagawa ang mammogram kaya inirekomenda nila na sa MMC na lang ito isagawa mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.