MIAMI (AFP) – Napilitang kanselahin ng English rock singer na si Phil Collins ang kanyang unang solo concert pagkaraan ng mahigit apat na taon dahil sa problema sa kanyang boses.

Nakatalang magtanghal ang 63-anyos na front man ng Genesis sa Fillmore theater sa Miami Beach sa Sabado, na isang benefit concert para sa kanyang foundation.

“We tried to do it, but my voice sounded bad at rehearsal. And at soundcheck it sounded worse,” pahayag ni Collins sa Miami New Times.

Nitong mga nakalipas na taon ay naging mailap si Collins sa live performances sa kagustuhang mailaan ang kanyang panahon sa pamilya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi nagbigay ng paliwanag si Collins sa concert organizers tungkol sa tunay na sanhi ng problema sa kanyang boses.