Reuters – Idinagdag ni Agnieszka Radwanska ang 18-time grand slam champion na si Martina Navratilova sa kanyang coach staff, inanunsiyo ng Polish player noong Lunes.

Sinabi ni Radwanska, na nakaabot sa final ng Wimbledon noong 2012 ngunit hindi pa napapanalunan ang kanyang unang career grand slam victory, sa kanyang opisyal na Facebook page: “So happy to announce Martina Navratilova as the newest member of my coaching team”.

Ang 25-anyos na Pole, na umangat sa number two sa world noong 2012 bago nalaglag sa ikaanim, ay nakaabante sa semis ng WTA Tour finals sa Singapore noong Oktubre, kung saan binayo siya ni Simona Halep, 6-2, 6-2.

Si Navratilova, isa sa all-time greats ng laro na may kabuuang 59 grand slam singles, doubles, at mixed doubles titles, ay nag-anunsiyo sa kanyang Twitter site at sinabing siya ay excited na makatrabaho si Radwanska at idinagdag na: “It should be a fun ride.”
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20