Isang 36 anyos na tricycle driver ang napatay nang salakayin ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang ilegal na sabungan sa riles ng tren sa Pandacan, Manila.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Russel Biligan, ng Kahilom II, Pandacan.

Ayon kay SPO1 Jonathan Bautista ng MPD Homicide Section, sinalakay ng mga tauhan ng MPD Police Station 10 Anti Crime Unit sa pamumuno ni Chief Insp. Dennis Pamplana Jimena ang ilegal na sabungan sa riles ng tren sa Plaza Guwapo, Kahilom II, dakong 9:00 ng umaga.

“Allegedly sabi ng testigo may nahuli raw na isa sa mga nagsasabong tapos inagaw yung baril pagkaputok natamaan allegedly yung driver. Pero hindi pa namin makuha yung side ng mga pulis dahil hanggang ngayon hindi pa rin sila nagpupunta dito sa Homicide Section,” payahag ni Bautista.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Bautista na hiniling na niya sa mga opisyal ng PS-10 na isumite ang mga pangalan ng mga pulis na sumalakay sa ilegal na sabungan upang sumailalim sa imbestigasyon. (Rachel Joyce E. Burce)