SAN LEONARDO, Nueva Ecija— Isang dating kagawad ng bayang ito ang binaril at napatay ng isang security guard habang nagdya-jogging kasama ang kanyang misis sa Bgy. Castellano sa bayang ito noong Sabado ng umaga.

Sa ulat na ipinarating ng San Leonardo Police kay Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, kinilala ang biktima na si ex-municipal councilor Antonio De Sahagun, 60, kawani ng lokal na pamahalaan ng San Leonardo, at nakatira sa Bgy. Nieves. Napuruhan siya sa likuran ng ulo at agad na namatay.

Ayon sa pulisya, matapos paslangin ang biktima ay nagbaril din sa sarili ang suspek na si Argie Basan, 32, may-asawa, at security guard ng Golden Meadows Subdivision sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabalit na naglalakad ang biktima kasama ang kanyang misis sa loob ng nasabing subdivision nang lapitan at barilin ni Basan. Pinagsabihan ni Basan ang negosyanteng misis ng biktima na tumakbo palayo ng crime scene at Pagkatapos ay nagbaril din sa ulo ang sekyu. Narekober sa crime scene ang isang cal. 38 revolver, dalawang bala at tatlong basyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.