Halos hindi na makilala ang isang babaeng barker matapos hatawin ng tubo ng kapwa babae nito sa kanyang mukha at katawan bunsod ng agawan ng teritoryo sa terminal ng pampasaherong jeep sa Pasay City kahapon.

Nagtamo ng mga sugat at pasa ang biktimang si Belisa Macabatao, 50, residente ng No. 1088 Amarillo St., Maricaban, Pasay City matapos pagpapaluin ng tubo ng kapwa barker nitong si Jomarie Almazar, 24.

Ayon kay SPO1 Ri cardo Mallong Jr., naganap ang insidente dakong 7:30 ng umaga sa isang jeepney terminal sa panulukan ng EDSA Extension at Roxas Blvd. nang komprontahin ni Almazar si Macabatao dahil sa panghihimasok umano sa teritoryo nito.

Sa kainitan ng argumento ng dalawa, biglang pumulot umano si Almazar ng tubo at hinataw si Macabatao sa mukha.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Natiyempuhan ni PO1 Carl Timbang ng Police Community Precinct (PCP) 11 ang kaguluhan at agad itong namagitan sa dalawang barker na kapwa binitbit ng pulis sa presinto. (Mitch Arceo)