Vice Ganda

ILANG shooting days na lang, matatapos na ang MMFF entry ng Star Cinema starring Vice Ganda, Richard Yap at Bimby Yap na The Amazing: Praybeyt Benjamin na nagpresscon na kahapon.

Kung ganado sa shooting si Vice, mas ganado si Sir Chief kaya nakapag-comment ang una na ang galing-galing ni Richard sa nasabing movie.

“Ang galing ni Richard. Abangan n’yo, nakakatawa siya at hindi niya alam na nakakatawa siya,” sabi ni Vice.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tawa raw sila nang tawa ni Direk Wenn Deramas habang pinapanood ang takes ng tisoy na aktor.

“Sabi ko nga kay Direk Wenn, kinakabahan ako kasi baka matapos ‘tong pelikula, mas nakakatuwa sa akin si Richard kasi nakakatawa talaga siya, walang effort,” sey ni Vice.

Malapit na malapit nang matapos.. Ilang shooting days na lang kami.”

Of course, sa December 25, araw ng Pasko ipapalabas ang The Amazing Praybeyt Benjamin at asahang naririto si Vice sa bansa para panoorin at i-monitor ang kanilang movie.

“Andito lang ako sa Pilipinas, siyempre maglilibot sa mga sinehan,” ani Vice.

Ganoon din si Richard, wala siyang plano na mag-out-of-town o lumabas ng bansa during Holiday seasons.

Samantala, hiningan ng reaksiyon si Richard sa pagpayag ni Jodi Sta. Maria na gumanap bilang Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘Yo. Kaya from Maya na sweet, idolo at kakampi ng mga kasambahay, isusumpa naman ito ng televiewers sa pang-aapi sa karakter ni Kathryn Bernanrdo (bilang si Yna, original role ni Kristine Hermosa).

“Oo nga, eh,” napapailing na sagot ni Sir Chief.

Pero naiintindihan naman ni Richard kung bakit tumanggap si Jodi ng contravida role.

“It’s just a very different role from her being Maya, so, well, I know Jodi can pull it off. She can be anyone who she wants to be. Ang galing ni Jodi so I don’t think it’s a problem,” maunawaing wika ni Richard Yap.