BEIJING (Reuters)— Tinuligsa ng China ang Pilipinas noong Linggo sa paglalagay ng political pressure sa international arbitration case sa pinag-aagawang karagatan, muling tumanggi na makibahagi isang linggo bago ang deadline para sumagot sa kaso.

Sa isang position paper, inilatag ng China ang kanyang mga argumento laban sa jurisdiction ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague upang talakayin ang kasong inihain ng Pilipinas noong nakaraang taon na maaaring magkaroon ng malaking implikasyon sa malawak na inaangkin ng China sa South China Sea.

“Its underlying goal is not ... to seek peaceful resolution of the South China Sea issue, but rather, by resorting to arbitration, to put political pressure on China, so as to deny China’s lawful rights in the South China Sea through the so-called ‘interpretation or application’ of the Convention,” pahayag ng foreign ministry ng China.

Inaangkin ng China ang halos kabuuan ng South China Sea, ibinabasura ang mga pang-aangkin sa ilang bahagi nito ng mga katabing bansang Vietnam, Pilipinas, Taiwan, Malaysia at Brunei sa isa sa pinakamasalimuot na iringan sa East Asia.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Ang China ay may hiwalay ding iringan sa Japan sa mga isla naman sa East China Sea.

Matagal nang sinabi ng China na hindi ito makikibagi sa arbitration proceedings, at iginigiit na resolbahin ang gusot sa isa-isang pakikipag-usap sa mga kasangkot na bansa.

Binigyan ng tribunal ang China ng hanggang Disyembre 15 para sumagot sa kaso.

Hindi obligado ang China na makibahagi, dahil ang tribunal ay hindi naglalayong maresolba ang iringan kundi matugunan ang legal validity ng “nine-dash line” ng China gayundin ang classification of features gaya ng Scarborough Shoal, sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea na nilagdaan ng China.

Ang claim ng China ay ipinakikita sa kanyang mga mapa ng nine-dash line na sinasakop na halos ang mga dalampasigan sa duong timog.

Ang desisyon na papabor sa Pilipinas ay magpapahina sa pagaangkin ng China sa karagatan, na ayon sa mga kritiko ay may malabong basehan sa ilalim ng Convention.

“There are still people with ulterior motives, who take aone-sided or distorted view regarding international legal conventions, so as to accuse China or insinuate that China does not respect international law, and falsely claim China is challenging international conventions,” wika ni Chang Xuhong, hepe ng Legal and Treaties Department ng foreign ministry, sa isang pahayag na ipinaskil sa website ng ministry.

Idinagdag niya na ang paper ay hindi inilathala para sa deadline.

Noong Oktubre, sinabi ng Pilipinas na itinigil na nito ang development work sa karagatan dahil maaari itong makaapekto sa kaso ng arbitration.