Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya kaugnay sa pagpatay sa sexagenarian couple sa Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Leonardo De Vera, 64, at Merlita, 60.

Dakong 11:00 noong gabi ng Sabado, nang makarinig ng putok ng baril ang kapitbahay ng mga biktima na si Rommel Madi.

Lumabas si Madi at nakita ang dalawang hindi pa matukoy na lalaki sa bubong ng bahay ng mga biktima pero hindi niya namukhaan ang mga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang makalayo ang dalawang lalaki, sinilip ni Madi ang bahay ng magasawang de Vera, tumambad sa kanya ang duguang katawan ni Leonardo na may tama ng baril at tadtad ng saksak na katawan.

Sa master’s bedroom natagpuan ang asawa ng biktima na nakahandusay at tadtad din ng saksak ang katawan.

Pinaniniwalaang pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang sa mag-asawa dahil magulo at nakakalat ang gamit ng mga biktima.