IPINAGDIRIWANG ng mga Katoliko sa daigdig ang Solemnity of the Immaculate Conception ngayong Disyembre 8, na isang holy day of obligation sa liturgical calendar. Ang Immaculate Conception ay isang dogma (aral ng Iglesya) na isinilang ang Mahal na Birheng Maria nang walang kasalanang orihinal, mula sa sandali ng paglilihi ni Santa Ana. Idineklara ang dogma ni Pope Pius IX noong Disyembre 8, 1854 na nagpahayag ng papal bull na “Ineffabilis Deus” (Latin para sa “Hindi Maisaysay na Diyos”): “We pronounce and define that the doctrine which holds that the most Blessed Virgin Mary, in first instance of her conception, by a singular grace and privilege granted by Almighty God, in view of the merits of Jesus Christ, Saviour of human race, was preserved free from all stain of original sin, is a doctrine revealed by God and therefore to be believed firmly and constantly by all the faithful.”

Nagtamo ng karagdagang kahalagahan ang dogma mula sa aparisyon ng Our Lady of Lourdes noong Pebrero 11, 1858, kay St. Bernadette, nang magpakita ang isang napakagandang babae sa kanya at sinabi: “I am the Immaculate Conception”. Isang religious writer ang nagsabi na ang “freedom from sin” ng Mahal na Birhen “was an unmerited gift of God or special grace, and an exception to the law, or privilege, which no other created person has received.” Iginawad sa Mahal na Birhen ang ekstraordinaryong pribilehiyong ito dahil sa kanyang kakaibang tungkulin sa kasaysayan bilang Ina ng Diyos.

Maraming bansang Katoliko tulad ng Spain, Portugal, at Brazil ang ipinagdiriwang ito bilang patronal feast, at sa ibang lugar tulad ng Argentina, East Timor, Italy, Monaco, at Peru, bilang national public holiday. Sa Pilipinas na higit na nakararami ang mga Katoliko, ipinagdiriwang ang kapistahan mula pa noong panahon ng Kastila. Patron ng bansa ang Immaculate Conception. Ang dambana nito, ang Basilica of the Immaculate Conception (Manila Cathedral) sa makasaysayang Intramuros, ay ang lunduan ng Archdiocese of Manila, na tauntaong nagdaraos sa Disyembre ng isang marangyang Marian procession, na pinangangasiwaan ng Cofradia de la Immaculada Concepcion, na may mahigit sanlibong imahe ng Mahal na Birhen sa iba-iba nitong titulo. Lahat ng simbahan sa bansa na may pangalang Immaculate Conception ay nagdiriwang sa misa, novena, prusisyon, fireworks, at tanghalang pangkultura. Ang Mahal na Birheng Maria ang patron ng Puerto Princesa, Palawan, kung saan nasisimula sa Disyembre 1 ang selebrasyon hanggang Enero 6, ang pagtatapos ng panahon ng Pasko.

May espesyal na debosyon ang mga Pilipino sa Immaculada Concepcion, isa sa dalawang prominenteng titulo kung saan pinararangalan ito, ang isa ay ang Our Lady of the Rosary. Ang pananalangin sa Immaculada Concepcion ay nagsimula pa noong Pebrero 6, 1578 nang iniutos ni Pope Gregory XIII na ang Manila Cathedral ay dapat itayo sa ilalim ng titulong ito. Mayroon lamang tatlong holy day of obligation sa bansa: Enero 1 – New Year’s Day, Disyembre 8 – Immaculate Conception, at Disyembre 25 – Christmas Day.
National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga