May aasahan na namang big time oil price rollback na ipatutupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa, anumang araw sa susunod na linggo.

Sa taya posibleng bumaba ng P2 ang presyo ng kada litro gasoline, diesel maging sa kerosene.

Ang napipintong bawas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Simula Enero 2014, umabot na sa halos P10 kada litro ang natapyas sa presyo ng gasolina habang P8 na ang nabawas sa halaga ng diesel.

SP Chiz, nilinaw na hindi Senate President ang papalit kapag na-impeach si VP Sara

Subalit nananatiling nakabinbin ang hirit ng mga pasahero na ibaba na ang minimum na pasahe sa pampublikong sasakyan partikular sa jeep dahil kailangang dumaan sa proseso ang pagpapasya nito ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Bukod pa rito ang pagtanggi ng ilang transport group sa bansa na ngayon pa lamang anila nakababawi sa magandang pagbaba ng presyo ng petrolyo.