MATATAG pa rin ang viewership ratings ng ABS-CBN nitong nakaraang Nobyembre sa naitala nitong total day average national audience share na 45%, mas mataas ng 11 points kumpara sa 34% ng GMA, base sa resulta ng survey ng Kantar Media.

Patuloy na mas maraming tahanan, sa urban at rural, ang sumubaybay sa mga programa ng ABS-CBN sa primetime (6PM-12MN) na umakyat pa ng dalawang puntos papuntang 51% nitong Nobyembre mula sa 49% noong Oktubre. Bumaba naman ang GMA sa 31% mula 34% noong Oktubre.

Pinalakas ang Primetime Bida ng ABS-CBN ng mga de-kalibreng teleserye nito, kabilang ang katatapos lamang na Pure Love at Hawak Kamay, at mga bagong seryeng Bagito at Dream Dad.

Inabangan ang pagtatapos ng Pure Love noong Nobyembre 14 sa national TV rating na 29.2%, ang pinakamataas na rating na nakuha ng simula nang mag-umpisa ito. Ang katapat nitong Coffee Prince ay may 11.2% naman sa nasabing araw. Inabangan din ang pagtatapos ng Hawak Kamay noong Nobyembre 21 na pumalo sa national TV rating na 33.5%, samantalang ang katapat nitong More Than Words ay nagtala naman ng 16.4%.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Tinangkilik agad ang Bagito noong Nobyembre 17 na nakakuha ng national TV rating na 27.2%, kumpara sa 11.3% ng kalabang Coffee Prince. Panalo rin ang pilot episode ng Dream Dad noong Nobyembre 24 na nakakuha ng national TV rating na 29%, o doble sa nakuhang 15.5% ng More Than Words sa GMA. Ang Dream Dad ang No. 1 sa listahan ng pinakapinanood na programa sa bansa noong Nobyembre sa average national TV rating nitong 30.1%.

Nakuha ng ABS-CBN ang 14 sa top 15 na programa. Ang iba pang Kapamilya shows sa listahan ay ang The Voice of the Philippines (30%), Maalaala Mo Kaya (29.6%), Forevermore (28.7%), Hawak Kamay (28.4%), TV Patrol (28.3%), Pure Love (26.6%), Bagito (26.5%), Rated K (25.7%), Wansapanataym (25.2%), Home Sweetie Home (24.5%), Mga Kwento Ni Marc Logan (22.3%), Two Wives (22%), at Goin’ Bulilit (21.2%).

Successful naman ang pamamaalam ng Be Careful With My Heart” noong Nobyembre 28 sa national TV rating na 19.6%, mas mataas ng labing-isang puntos sa The Ryzza Mae Show (8.5%).

Nagtala ang morning block (6AM-12NN) ng ABS-CBN ng average national audience share na 38%, habang may 34% ang GMA. Pumalo naman sa 41% ang average national audience share nito sa late afternoon block (3PM-6PM) kumpara sa 37% ang GMA.