TAIPEI (Reuters)— Ibinalik ng Taiwan ang karamihan ng cabinet minister sa dati nilang trabaho sa isang minimal na reshuffle sa gobyerno noong Biyernes kasunod ng eleksiyon noong nakaraang weekend na tumalo sa ruling party, nagtulak sa premier na magbitiw at bumaba si President Ma Ying-jeou bilang party chief.

Ininanunsiyo ng Executive Yuan noong Biyernes ang bagong linya ng mga minister sa ilalim ni Premier Mao Chi-kuo, na itinalaga noong Miyerkules bilang kapalit ni Jiang Yi-huah. Si Mao ang dating vice premier ng Taiwan.

Hindi na pinalitan ang mga minister sa mga pangunahing posisyon sa Taiwan na humahawak sa finance, defense at China policy.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS