DASMARIÑAS, Cavite- Isang teenager ang namatay matapos pagsasaksakin ng isang menor de edad sa Molino-Paliparan, Barangay Salawag sa siyudad na ito kamakalawa ng madaling araw.

Idineklarang dead-on-arrival si Ranzel Ladringan Mendoza, 19, sa Dasmariñas Medical Center bunsod ng tinamo nitong saksak sa kaliwang tagiliran ng kanyang katawan.

Agad na inaresto ng pulisya ang 17-anyos na suspek, na isang residente ng Dasma I, Phase V, Barangay Salawag.

Sinabi ni PO3 Reynald Afable, naganap ang pananaksak sa loob ng isang internet shop dakong 1:50 ng madaling araw noong Huwebes.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Naglalaro si Mendoza ng computer nang datnan ni “Boyet “(hindi tunay na pangalan) at biglang pinagsusuntok sa mukha ang biktima.

Nang tangkain na bumawi ni Mendoza kay Boyet ay biglang bumunot ang huli ng patalim at walang pakundangan na pinagsasaksak ang biktima hanggang bumulagta.

Nagpahayag ng paniniwala ang mga imbestigador na matagal nang alitan ng biktima at suspek ang pinag-ugatan ng insidente. (Anthony Giron)