Jed Madela

KASALUKUYAN pa ring nagpapagaling si Jed Madela na namamaga ang lalamunan. Sa payo ng kanyang doktor ay kinailangan niyang magpahinga ng ilang araw or else baka maapektuhan pati ang ipinagmamalaki niyang boses.

Sabi ng Tita Anne Mercado ni Jed, dahil sa advice ng kanilang doktor ay ilang scheduled shows ni Jed ang ipinakansela nila. Sunud-sunod pa naman ang commitment na natanguan ni Jed, pero kailangang isakripisyo nila ang ilan para maka-recover agad siya.

Pero kahit may naramdaman ay umiral pa rin ang pagiging professional ni Jed. Siguradong sisiputin niya ang comeback concert ni Lani Misalucha sa Big Dome bukas.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Kahit masama na ang pakiramdam ni Jed, kinailangang niyang ituloy ang kanyang production number sa nakaraang Aliw Awards kung saan talagang hindi nagpahuli si Jed sa pagbirit at kasabay pa mandin niya sa number na ‘yun sina Dulce at Pilita Corrales,” sabi pa ng kausap namin.

Hindi naman umuwing luhaan si Jed dahil siya ang pinagkalooban ng Best Performance in a Concert (male) at Best Major Concert (male) ng Aliw Awards para sa dalawang magkasunod na concerts niyang All By Request at X-The Jed Madela 10th Anniversary Concert.

Si Jed din ang nag-uwi ng Entertainer of the Year ng naturang award-giving body.

Samantala, si Mr. Johnny Manahan naman ang tinanghal na Best Concert Stage Director.