Gaya ng inaasahan, sumalo sa liderato ang Cagayan Valley matapos iposte ang kanilang ikalimang sunod na panalo makaraang ilampaso ang baguhang MP Hotel, 120-77, kahapon sa pagpapatuloy ng 2015 PBA D League Aspirants Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Umpisa pa lamang ay ipinakita na ng Rising Suns ang determinasyon na makatabla sa Hapee sa pangingibabaw sa standings at agad nilayuan ang MP Hotel Warriors, 32-21 sa pamumuno ni Eric Salamat sa pagtatapos ng first quarter.

Pagdating ng second quarter, dito na nagsimulang magtrabaho ang iba pang mga manlalaro ng Rising Suns partikular ang mga Fil-Ams na sina Randy Dilay at Abel Galliguez gayundin ang Fil-Tongan na si Moala Tautuaa at inumpisahan nang durugin ang kalaban na kanilang tinambakan, 65-39 sa halftime.

Ngunit hindi pa sila nagkasya roon, dahil ibinaon pa nila ang kalaban hanggang sa mahigit 40 puntos na kalamangan, pinakamalaki sa iskor na 111-68 mahigit dalawang minuto na lamang ang nalalabing oras sa laban.

National

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA

Pitong manlalaro ng Cagayan ang tumapos na may double digit sa pamumuno ni Don TRollano na nagposte ng 24 puntos.

Kasama niyang nagtapos sa double figures sina Galliguez (16), Dilay (12), Jairold Flores (12), Tautuaa (11) at sina Salamat at Jason Melano na tumapos na may tig-10 puntos.

Maliban sa 11 puntos, nagtala rin Tautuaa ng 11 rebounds , 3 assists at 2 steals.

"It`s a total team effort,” pahayag ni Dilay. ``Every game coach (Alvin Pua) is challenging us to get better and better.``

Nanguna naman para sa MP Hotel na nalaglag sa ikalima nilang kabiguan sa loob ng anim na laban ang bagong recruit na si Moncrief Rogado na nagtala ng 22 puntos.