HINDI lang sa Pilipinas sikat na sikat at paborito ng cosplay fans si Alodia Gosiengfiao at ang kanyang kapatid na si Ashley kundi ganoon din sa Japan at sa iba’t iba pang Asian countries.

alodia at ashleyKaya hindi kataka-taka na kinuha sila bilang “Katinko Healing Ladies” ng sikat din na Asian brand, ang ointment na matagal nang bedside buddy ng bilang pamparelaks para makatulog ng mahimbing at lunas din sa muscle pain at pangangati.

Hindi lang may edad na ang gumagamit ng Katinko, katunayan, kinalakihan na nina Alodia at Ashley ang pagbabaon nito saan man sila magpunta.

“Katinko is always in my bag,” sabi ni Ashley.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“I feel secure when I have Katinko,” sabi naman ni Alodia. “In case I get a scratch, bruise, or insect bite, I know that Katinko will help me feel better.”

Bukod kasi sa muscle pains at skin itch, gamot din ito sa kagat ng insekto, sakit sa ulo, pagkahilo o pagkalula, pasa, sipon, nakakapagpaluwag ng paghinga, at joint pains.

Tulad ng maraming gumagamit nito, nakasanayan na rin ng magkapatid na bahagi ito ng first aid kit nila sa bahay.

Pinatunayan ng kanilang ina na si Mariglor Gosiengfiao na katuwang niya ang Katinko sa pangangalaga sa kanilang pamilya.