Sa kulungan bumagsak ang isang pulis kasama ang kanyang kaibigan matapos arestuhin ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEA) at Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SOTG) sa aktong sumisinghot ng shabu sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 ang kinakaharap na kaso nina Reynel Molina, 42, at PO3 Romel Carpio, nakatalaga sa Caloocan Police Station Information Desk.

Ayon sa report, bandang 3:00 ng madaling araw, ni-raid ng PDEA at AID-SOTG ang bahay ni Molina sa Leano Street, Barangay Tanong, Malabon City.

Dito naaktuhan ng mga pulis sina Molina at PO3 Carpio na sumisinghot ng shabu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid na matagal nang sinusubaybayan ng Intelligence Unit ng Malabon Police ang mga suspek, kaugnay sa kanilang gawain.

Mismong ang pulis pa umano ang kumukunsinti kay Molina na gumamit ng shabu at ang bahay ng huli ang ginagawa nilang drug den.