Anim na matataas na opisyal ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang nahaharap sa mga kaso ng graft and corruption dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng magnetic resonance imaging (MRI) na nagkakahalaga ng mahigit P44 milyon.

Pinagtibay ni Office of the Ombudsman Chairperson Conchita Carpio-Morales ang report ng mga imbestigador ng ahensiya na nakatukoy ng probable cause sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kina Dr. Rosalinda Arandia, head ng procurement office ng QMMC; at mga miyembro ng bids and awards committee na sina Angeles De Leon, Milagrina Jacinto, Michael Raquel, Floserpina Yanguas at Luz Padua.

Ayon sa records, Abril 2005 nang nagsumite ng mga bid ang tatlong posibleng supplier para sa pagkakabit, pagsu-supply at pagde-deliver ng MRI, at ang Fernando Medical Enterprises, Inc. (FMEI) ang may pinakamataas na bid na nasa P44.9 milyon.

Sinabi ni Morales na ang mga ospital ng QMMC “applied two different sets of rules on payment to the entire MRI project—the rules on procurement of infrastructure projects that they used as their justification for the down payment and progress payments, and the rules on procurement of goods—when only the latter should apply thereto.” - Jun Ramirez

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM